ni Lawrence Velasco

Sa ngalan ng Ama ng anak at ng isang tulad kong gago raw na tao,
hindi lahat ng nagsisimba ay santo.
Amen.

Nakalulungkot isipin na tayo ay nabubuhay sa henerasyon na kung saan napakadaling mahusgahan ng ibang tao.
Mahirap magpakatotoo dahil lahat ay limitado.
Bawat kibo ay may mga matang mapanghusgang nakabantay.
Bawat buka ng bibig ay may mga nagkalat na tengang nakikinig.
Baho lamang ang nais maamoy sapagkat dumi lamang ang nais makita.

Ito ang lipunang ating ginagalawan, nasa kapwa tao ang kapangyarihan upang idikta kung anong klase at sino kang tao.
Pero wala akong pake.

Makasalanan!

Ito ang tingin sa akin ng mga hipokritong “self-proclaimed” na alagad daw ng Diyos. Isang makasalanang tao dahil sa tabas ng aking dila.

Ngunit bakit mali?
Parang may mali?
Bakit parang kasalanan ko?

Na mas pinipili kong magpakatotoo at huwag pakinggan ang sinasabi ng mga tao sa aking paligid.
Ngunit sa kabila ng mga ito’y nagpapasalamat ako dahil alam ko pa rin kung ano ang tama sa mali.
Alam ko pa ring magpakumbaba.
Humingi ng tawad kung sakali mang magkamli’t makagawa ng kasalanan.
Hindi naman porket lagi akong nagmumura ay hindi na ako marunong magmahal. Hindi ko naman kailangan ang opinion ng iba.
Sapat nang kilala ko ang aking sarili.

Katarandatduhan!

Isang malaking kahibangan ang manghusga ngunit ayaw mahusgahan.
Papasok sa simbahan, magdadasal at hihingi ng kapatawaran nguit gagawa ulit ng mga ksalanan.
Pag-uusapan ang kapit-bahay dahil salungat sa pinaniniwalaan.
Gagamitin ang salita ng Diyos sa mga argyumento upang manalo.
Ipangangalandakan sa publiong isa kang tunay na anak at taagasunod upang sumikat at makuha ang simpatya ng mga tao.
Pinapaniwala ang sarili at ang ibang tao na bastat nagsisimba ay santo.
Kung sino ang mga nagmamalinis ay sila pa ang tunay na madudungis.
Walang kasiguraduhan sa kung ano ba talaga ang katotohanan.
Ito ang mapait na reyalidad.
Kahit sino ay maaaring maging demonyo o Panginoon.
Kailangan mo lang ng sapat na tao upang ang isang bagay ay kilalanin bilang katotohanan.

Putang-ina.
Putang-ina.
Putang-ina.
Putang-ina.
Putang-ina.

Iisang salita ngunit magkakaiba ng ibig-sabihin.
Sinasabi sa tuwing masaya man o malungkot, galit man o nagdurusa at maging anong emosyon pa ito.
Kayat huwag sanang limitahan ang salitang ito sapagkat ang putang-ina ay isa sa mga salitang nagiging daan upang ihayag ang iba’t ibang damdamin at saloobin ng isang tao.
Ang salitang ito ay hindi dapat gawing basehan ng pagkatao.
Huwag kulungin ang sarili sa kaisipang bastat nagmumura ay masamang tao.