Si Rey M. Tamayo, Jr., ay baguhang manunulat, kolumnista, litratista, peryodista, kuwentista, filmmaker at publisher. Sa South Eastern College niya sinubukang kumuha ng kursong Bachelor of Arts at sa Unibersidad ng Pilipinas, (UP Diliman) ng kursong Malikhaing Pagsulat. Samantala, tinatapos ang Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Siya ay miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Press Photographers of the Philippines (PPP), at naging fellow ng LIRA Workshop noong 2006.

Nagwagi ng Karangalang Banggit sa 3rd Haiku Writing Contest noong 2008 na inorganisa ng Japan Embassy. Nagwagi rin ng Special Jury Prize ang kaniyang dokumentaryong “Ang Metamorposis ng Apoy, Tubig at Pag-asa” sa Cinemaralita Film Festival 2015 at maikling pelikula na “Habulan” na nagkamit ng Lambat ni Urduja Award sa Urduja Film Festival 2019.

Naging bahagi rin siya ng Editorial department ng The Manila Times at community newspaper na Magandang Balita. Regular namang lumalabas ang kaniyang kolum sa Paranaque Ngayon, isang pahayagang pang komunidad sa South Manila area.

Tumutulong at naglalathala rin siya ng mga akdang pampanitikan at antolohiya lalo na sa mga papausbong na manunulat sa pamamagitan ng kaniyang maliit na kompanyang 7 Eyes Productions, OPC.

Awtor ng tatlong aklat, ang Tunggalian (maikling kuwento), Tapyas (mga piling akda) at Abo ang kulay ng Larawan (potograpiya). Siya rin ang pasimuno ng mga antolohiyang BIGWAS – Mga Kuwentong Pumipiglas (2019), BUHAWI – Unang Hagupit (2020), AKSYON – Mga Kuwentong Eksena sa Pelikula (2020), BALINTUNA – Mga Kuwentong Kakatwa (2020) at KATASTROPIYA – Mga Kuwento ng Pakikipagpunyagi (2020).

Sa kasalukuyan ay tinatapos ang script ng Pinoy Animation series na Kamagong at Sepak Takraw ng Sinag Animation Studios bilang head writer.

WORKS

ARLENE

Short story
Wagi/Sawi: Mga Kuwentong Luwalhati at Pighati (2016)
Edited by Rolando Tolentino and Rommel Rodriguez

LARAWAN

Short story
Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011)
Edited by Rolando Tolentino and Rommel Rodriguez

Poems

Ani 33 & 34 – 2007-2008 (Manila: Cultural Center of the Philippines)

Tinta at Bala

Ipuipo sa Piging – 2010

Rey-Tamayo-Jr-Works