Ako si Jose Anderson Duro Jr., pinanganak noong ika-21 ng Nobyembre, 1990. Ako’y ipinanganak sa lungsod ng Parañaque at lumaki kasama ng aking mga magulang at dalawang mga nakakatandang kapatid. Bilang bunso, kinilala ako sa tawag na “Bebe” ng aking pamilya, mga malapit na kamag-anak at maging ang aking mga kaibigan. Maraming lugar na ang aming natirhan mula nang ibenta namin ang aming sariling bahay sa Parañaque. Base sa aking pagbibilang ay apatnapu’t dalawang beses na kami nakapagpalipat-lipat sa iba’t ibang paupahan at nanirahan sa mga kamag-anak at kasama na dito ang paninirahan namin sa probinsiya. Nanirahan kami sa Isabela ng mahigit dalawang taon bago nanirahan sa Valenzuela. Sa kasalukuyan ay dito na ako nanatili nang ako ay pinag-aral ng aking tiyuhin sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela noong taong 2010. Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering at ako nagtapos sa taong 2015. Malayo sa first choice kong kurso na BS Education Major in Filipino. Pinili ko ito dahil sa mungkahi ng ilan na maraming trabaho ang maaari kong pasukan sa kursong ito. Nagsubok akong magshift dahil sa interes ko sa paggawa ng pelikula, ngunit hindi ito nangyari dahil sa kakulangang pinansyal.

Sa pagtatapos ko sa kolehiyo ay agad akong nakahanap ng trabaho, sa panahong ito rin ako nagsimulang makakilala sa Diyos sa tulong ng aking pamilya. Ngayon ay patuloy akong naglilingkod sa Diyos at kabilang sa isang Iglesya. Nakilala ko rin ang aking asawa sa simbahang naging daan para makilala ko ang Diyos, ikinasal kami noong June 30, 2019 at sa kasalukuyan ay masayang naninirahan sa Valenzuela. Patuloy parin naming pinaghahandaan ang pagkakaroon ng supling. Sa pagsisimula ng isang pamilya, nagsimula akong bumuo ng sariling Construction Company. Sa ngayon ay isa akong freelance Civil Engineer, hindi pa lisensyado sapagkat hindi ko pa hinarap ang pagtake ng exam.

Nakahiligan ko ang pagsusulat dahil narin sa hilig ko sa mga pelikula. May mga kwentong pampelikula narin akong nagawa. Sa ngayon, nanunumbalik palang ako sa paglalaan ng panahon sa pagsusulat. Gumagawa rin ako ng mga tula kung minsan.

Agapito-Excerpt-1