Nagkamit siya ng National Book Award ng Manila Critics’ Circle para sa Best Book of Non-Fiction Prose in Filipino para sa kaniyang unang librong Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga (Visprint, 2015). Kinilala rin sa nasabing parangal para sa Best Book of Short Fiction ang kaniyang nobelang Kagay-an, At Isang Pag-Ibig Sa Panahon ng All-Out War (Psicom-Literati, 2019). Nalathala ang ilan sa kaniyang mga akda sa Liwayway at iba pang antolohiya gayundin isinalin sa English, Chinese, at Bahasa para sa Afterwork Readings ng Para Site – Hong Kong. Tagapangulo ng Kataga – Online, isang sangay ng grupong Kataga – Samahan ng Mga Manunulat Sa Pilipinas at Honorary Member ng NAGMAC (Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro). Naging fellow sa creative writing workshops ng University of Santo Tomas (2008), Palihang Rogelio Sicat (2012), Unibersidad ng Pilipinas (2015), Ateneo de Manila at Iligan National Writers Workshop (2016). Kabilang sa kaniyang mga proyekto ang Saan Man – Mga Kuwento sa Biyahe, Bagahe at Balikbayan Box (PageJump, 2017), isang antolohiyang binubuo ng higit sandaang dagli ng 56 overseas at lokal na Pilipinong manunulat. Isa siyang OFW simula pa noong 2008 at kasalukuyang naninirahan sa Al-Khobar, Saudi Arabia.

MGA AKDA

  • Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga (Visprint, 2015)
  • Saan Man, Mga Kuwento sa Biyahe, Bagahe, at Balikbayan Box (PageJump, 2017)
  • Kagay-an, At Isang Pag-ibig Sa Panahon ng All-Out War (Psicom-Literati, 2019)
  • Lama Sabactani (Psicom-Literati, 2020)