ni Stefani J. Alvarez

Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ay unang inilabas bilang self-publish book noong 2012. Ito ang orihinal na manuskrito bago inilathala ng Visprint taong 2015. Ginawaran ng Best Book of Non-Fiction Prose in Filipino ng NBDB at Manila Critics’ Circle. Koleksyon ng siyam napu’t isang dagli sa kontemporaryong Filipino at maihahanay sa memoir at autobiographical writing. Binubuo ng maiiksing naratibo na mapapaloob sa iisang libro sa anyong nobela upang inyong makikilala ang isang OFW, makata, kapatid, anak, bakla, reyna, puta, etcetera- ang Ibang Lady Gaga.

Hindi parang pagmememorya ng song lyrics ang pag-alala sa mga karanasan, kundi parang pagnonovena. Parang ritwal.

Sa isang confessional na paraan ipapasilip ng may-akda ang kanyang mga partikular na karanasan at buhay ng isang migranteng manggagawa sa Saudi Arabia. Mga personal na sanaysay na ikukumpisal ang pangungulila at samu’t saring problema at balita mula sa pamilya sa Pinas. Sala-salabid ang mga isyung kakaharapin tulad ng racism, diskriminasyon at pang-aabusong sekswal ngunit isa-isa niyang hihimayin ang bawat istorya na kung hindi man mahanapan ng happy ending ay patuloy na makikipagsapalaran, patuloy na mangangarap.

Ang-Autobiografia-ng-Ibang-Lady-Gaga-4-2

BACK TO FREELIPINIANA MAIN DIRECTORY