Makikiuso na kami sa unboxing videos. Muli nating samahan sina Kwesi Junsan, Patrice Marco, at Steno Padilla sa kanilang pagbuklat ng mga dyornal ng Likhaan ngayong Sabado, June 12, 3 n.h..

Alin sa mga akda kaya ang napusuan ng ating mga mambabasa? Kasama kaya dito ang kwento ng ubod ng tangkad na transwoman, o di kaya naman isa sa mga tula tungkol sa ating karanasan ng COVID-19? Abangan natin ang magiging reaksyon ng ating booklovers sa LIkhaan Journal 14, at DX Machina issues 1 and 2.

Nga pala, kung hindi niyo pa napapanuod, nakipagkwentuhan na rin tayo sa ating mga panauhin tungkol sa pagbabasa sa panahon ng COVID-19. Narito ang link sa episode:

Sabayan na rin natin sila sa pagbabasa. Narito ang download links para sa tatlong dyornal:

Likhaan 14:

https://drive.google.com/file/d/1hmoR9zdP-Vu0oL-Q5_aGA7XnreLGuX3U/view?usp=sharing

Dx Machina 1:

https://drive.google.com/file/d/1Ob14CF4dVio9wOXkRlIuH2aXyTMaaauC/view?usp=sharing

Dx Machina 2:

https://drive.google.com/file/d/18WSv_W0GlKt3RF5KhHSl-smUqO9Rzry9/view?usp=sharing

Ihanda niyo na ang kape, tsaa, o kung ano mang paborito niyong meryenda. Mag-relax at makibasa tayo sa darating na Sabado!

TUNGKOL SA MGA PANAUHIN

Kwesi Junsan

Born and raised in Koronadal City, South Cotabato, Kwesi M. Junsan is an avid reader, an aspiring playwright, and alternative filmmaker.

Patrice Marco

Kasalukuyang nagtatrabaho sa Philippine General Hospital bilang isang nurse, nakapagsulat na rin ng ilang fiction for some publishing house at ngayon ay naninirahan sa Sampaloc, Manila.

Steno Padilla

Tubong Baliwag, Bulacan, si Steno Padilla ay nagwagi ng dalawang Lampara Prize para sa kanyang mga nobelang pangkabataan; naging fellow sa iba’t ibang writing workshop sa bansa; contributor sa Katitikan Journal (katha), Busilak (tula), A/PART (tula), Be Me Anthology (katha), at Dx Machina 1 (katha); at kasalukuyang editor sa isang healthcare publication.