Maaari nang mabili ng publiko ang ika-anim na aklat ng makata na si R.B. Abiva. Ang aklat ay independiyenteng inilimbag ng Pantas Publishing at eksklusibong ibinebenta ng Popular Bookstore na matatagpuan sa tapat ng Scout Rotonda, Quezon City.

Masasabing nasala ang 28 na malikhaing akda dahil ang ilan ay nalathala na sa nangungunang magasing pantahanan, ang Liwayway. Dagdag pa, may panunuring pampanitikan din ang mga kinikilalang iskolar gaya na lamang nina Dr. E. San Juan, Jr, ng University of Connecticut at Prop. Hadje C. Sadje ng University of Hamburg.

Masasabing sulit dahil hitik din sa review ang nasabing aklat mula kina Dr. Pia Arbolleda ng University of Hawaii, Eunice Novio ng Korat, Thailand, Dr. Rommel Rodriguez at Dr. UZ Eliserio ng UP-Diliman, at marami pang iba.

Narito ang sipi mula sa Introduksiyon ni Dr. San Juan at Pangwakas ni Prop. Sadje:

“Ang proyekto ni Abiva dito ay maniobrang magkalangkap: kapwa mimetikong pagsalamin sa mga nangyayari sa ordinaryong mamamayan, at pedagohikal na pagpokus sa araling mahuhugot sa kolektibong karanasan. Maitutulad ito sa fantastikong realismo nina Gabriel Garcia Marquez at Jorge Luis Borges, o sa eksperimentong panulat nina Reyes (sa Etsa-Pwera), Lualhati Bautista, Joi Barrios, Roland Tolentino, Allan Derain, at iba pa. Mayamang tradisyon sa panitikan natin ito: paglalarawan, pagtuturo, paggabay sa matinik na programa ng komunidad.”

“R. B. ABIVA IS A NEW BREED OF LITERARY PARTISANISM. Abiva’s “PARMATA at iba pang PROSA Kontra- HEGEMONYA” is a powerful book inspired by a radical tradition of cultural resistance, produced to instill a revolutionary consciousness and mobilize mass action in the long march towards emancipation. He rejects the notion of writing literary only for the sake of literary. He is not seeking for profit and popularity. In fact, after being silenced and tortured, Abiva was resurrected for our redemption. His literary works speak about the brutality of Big Brother. It encapsulates, as Giorgio Agamben describes, an age where the greatest emergency is the absence of an emergency.”

Sa mga nais bumili ng kopya ay bisitahin lamang ang link na ito at mag-iwan ng mensahe, https://www.facebook.com/popularbkstore.