Bahagi ng pagdiriwang sa WACAS (Week-long Accomplishment and Culminating Activity of Special Projects) ng DOST – TAPI.

Mga Tuntunin:

  1. Ang patimpalak ay bukas para sa lahat ng Pilipino. Kung sakaling mapili ang entry, ang kalahok na menor de edad ay kailangan magpasa ng parental consent.
  2. Ang kalahok ay kailangang naka-like sa Facebook page ng Technology Application and Promotion Institute (/DOST.TAPI) at i-Invent PH (/iINVENTPH).
  3. Ang kalahok ay kailangang mag-upload ng isang throwback photo na may kasamang caption o maikling sanaysay na hindi lalampas sa 400 na salita.
  4. Ang tema ng post ay tungkol sa isang personal na karanasan o alaala na may kinalaman sa siyensya, teknolohiya o inobasyon na nagbago, nagpayaman, nakaapekto, o nakaimpluwensiya sa iyong pananaw, paniniwala, pangarap, adbokasiya, karanasan o sa iyong komunidad.
    Halimbawa:
    a. Hindi malilimutang leksyon at alaala sa agham noong nag-aaral ka pa na dala-dala mo pa rin hanggang ngayon.
    b. Pagbabago sa teknolohiya na nagpabago rin sa takbo ng iyong buhay.
    O sa kahit anong malalapit na paksa at personal na karanasan tungkol sa temang ito.
  5. Ang throwback photo ay kailangang i-upload sa Facebook account ng kalahok at gawing public post. Kailangang mag-tag ng tatlong (3) kaibigan at maglagay ng hashtag na #SaWACASMagsisimula at #DOSTTAPISanaySci.
  6. Ang throwback photo ay kailangang pagmamay-ari ng kalahok at may permiso sa mga taong maaaring makilala sa larawan. Pinapayagan din ang minimal photo enhancement.
  7. Sa ika-23 ng Hulyo 2021, mamimili ang organizers ng limang (5) shortlisted entries na siyang i-a-upload sa DOST-TAPI Facebook page sa ika-26 ng Hulyo, 2021.
  8. Mula Hulyo 26 -28, 2021 ay maaaring mag-like, share, o react sa post.
  9. Ang magwawagi ng unang gantimpala ay makatatanggap ng tablet at tig-isang hard drive naman para sa ikalawa at ikatlong gantimpala, mula sa DOST- TAPI.
  10. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mapasusubalian.
  11. Para sa karagdagang impormasyon, tumungo lamang sa opisyal na website ng DOST-TAPI.

Criteria:

Originality/Creativity                                      30%
Relevance to the theme                                25%
Delivery / Execution                                        25%
Audience Impact/ Engagement                 20%
                                                                        100%