Bahagi ng pagdiriwang sa WACAS (Week-long Accomplishment and Culminating Activity of Special Projects) ng DOST – TAPI.

Mga Tuntunin:

  1. Ang patimpalak ay bukas para sa lahat ng Pilipino. Kung sakaling mapili ang entry, ang kalahok na menor de edad ay kailangan magpasa ng parental consent.
  2. Ang kalahok ay kailangang naka-like sa Facebook page ng Technology Application and Promotion Institute (/DOST.TAPI) at i-Invent PH (/iINVENTPH).
  3. Ang DOST – TAPI ay mag-po-post ng isang larawan sa official Facebook page nito sa buwan ng Hulyo.
  4. Ang kalahok ay kailangang sumulat ng dagli o mag-caption nang hindi lalampas sa 150 salita sa comment section. Ang dagling isusulat ay kailangan magbigay-buhay sa diwa o mensahe ng larawan.
  5. Kailangan ding i-like at i-share ang larawan bilang public post, mag-tag ng tatlong (3) kaibigan sa shared post, at maglagay ng hashtag na #SaWACASMagsisimula at #DOSTTAPITechPhrasis.
  6. Ang ipapasang akda ay dapat na orihinal at hindi pa naililimbag. Ang napiling entry ay ipapaskil sa official Facebook page ng DOST-TAPI.
  7. Isa ang mananalo sa bawat larawan na bibigyan ng hard drive bilang gantimpala. Isang beses lamang maaaring manalo sa patimpalak na ito.
  8. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mapasusubalian.
  9. Para sa karagdagang impormasyon, tumungo lamang sa opisyal na website ng DOST-TAPI.

Criteria:

Originality/Creativity                                      30%
Relevance to the theme                                25%
Delivery / Execution                                        25%
Audience Impact/ Engagement                 20%
                                                                        100%