Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Araw ng Parangal 2021. Ang okasyong ito ay pagkilala sa  mga personalidad at organisasyon na maituturing na kabalikat ng KWF sa patuloy na pagpapalakas ng Filipino bilang intelektuwalisadong wika habang pinangangalagaan at pinalalakas ang mga katutubong wika sa bansa. Tampok sa dalawang oras na programa ang pagkakaloob ng mga busto, plake, medalyon, at tropeo na siyang katibayan ng pagwawagi ng mga nahirang na Makata ng Taón, Mananaysáy ng Taón, Sentro ng Kahusayan sa Wika at Kultura, Kampeon ng Wika, Dangal ng Panitikan, at Dangal ng Wika.

Magaganap ang makasaysayang araw na ito sa 9 Nobyembre 2021, ganap na 10:00 NU—12:00 NT sa  Legazpi Ballroom, Makati Diamond Residences, 118 Legazpi Street, Brgy. San Lorenzo, Legazpi Village, Lungsod Makati at naka-live stream sa www.facebook.com/komfilgov