Nailunsad namin ang tatlong volumes ng 15th issue ng Likhaan noong Nobyembre 2021. Ngayon, muli naming ipinakikilala ang mga pinakabagong Likhaan: Journal of Contemporary Literature sa aming two-part launch. Tampok sa unang bahagi ang special issues ng dyornal, ang ikatlo at ikaapat na koleksyon ng Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19. 

Kasabay nito ang pagsalubong sa bagong kabanata ng aming organisasyon. Inaanyayahan namin kayong dumalo sa espesyal na okasyong ito ngayong Sabado, ika-30 ng Abril, 5n.h. 

Tradisyon ng Dx Machina na magtala ng mga naratibo tungkol sa ating danas ngayong pandemya. Ngayon, maaari natin itong suriin kasabay ng mga usaping manggagawa at eleksyon sa parating na buwan ng Mayo. Malaking pagbabago ang dinulot ng pandemya sa ating mga kapwa Pilipino, at karamihan nito ay bunga ng naging tugon ng ating pamahalaan at ng kanya-kanya nating pinagtatrabahuhan. Makalipas ang isang taon, maiging malaman natin kung bumuti ba o hindi ang ating kalagayan, mula mismo sa panulat ng ating mga kababayan. 

Marahil ay may mga mapapagtanto o mapupulot din tayong kaalaman na magagamit natin sa mga darating na araw.

Nais din naming pasalamatan ang mga manunulat na nag-ambag ng kanilang naratibo sa mga koleksiyong ito. Hindi madali ang pagsusulat, lalo na sa panahong markado ng matinding pangangailangan at paghahanap ng paraan para maitawid ang araw-araw. Kasabay namin kayo sa pagsulong ng mas malawak na kaalaman at mas malalim na pag-unawa.

Bongga ang mga introduksyon sa darating na Sabado. Samahan niyo kami sa pakikinig at pagsuri ng mga bagong naratibo ng Pilipino sa pandemya–samahan niyo kami sa pagsalubong sa bagong paglikha. 

——————————

MGA MAMBABASA

Para sa Dx 3:

Karl R. De Mesa

Karl R. de Mesa is a longreads journalist and photographer who has reported on stories in the Philippines, Hong Kong, Myanmar, and Singapore. He is the author of both fiction and nonfiction books—finalists for the Philippine National Book Awards for journalism and nonfiction. He is a martial artist and Muay Thai instructor.

Gabriel Mari Oblefias

Si Gabriel Mari Oblefias ay isang freelance writer at part-time faculty sa multimedia arts program ng De La Salle – College of Saint Benilde. Mag-aaral din siya ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Mubarak M. Tahir

Mubarak M. Tahir is a pure-blooded Maguindanaoan and a graduate of Bachelor of Arts in Filipino at the Mindanao State University, Marawi City. He is the first Maguindanaoan writer to win in the 67th Palanca Memorial Awards for Literature in Filipino Essay entitled “Aden Bon Besen Uyag-Uyag” (May Buhay Pa Pala).

Para sa Dx 4:

Adrian Pete Medina Pregonir

Manunulat sa wikang Hiligaynon si Adrian Medina Pregonir mula sa Banga, South Cotabato. Ang kaniyang mga akda ay lumitaw sa iba’t ibang antolohiya at magasin at sa ngayon ay tinutuklas ang mundo at sining ng folk storytelling.

Beverly W. Siy

Beverly Wico Siy is a mother of three from Bacoor, Cavite. She is a writer, translator, and copyright advocate who works in the Intertextual Division of the Cultural Center of the Philippines.

Vincen Gregory Yu

Vincen Gregory Yu is a physician, health researcher, fictionist, poet, and arts critic from Iloilo City. He is currently affiliated with the Ateneo de Manila University Development Studies Program and pursuing his master’s degree in medical anthropology at the University of the Philippines Manila.