ni Marvin Joseph Ang

Nakahubad na siya nang dumating ako. Mag-aalas sais na rin kasi ako naka-out sa trabaho dahil nag-meeting pa ang team namin after ng shift. Mabuti na lang at hindi required ang mag-OT bukas, kaya kahit buong gabi kami rito, walang problema. Malaki ang ngiti niya nang sinalubong niya ako sa pintuan. 

Hindi ko pa naibababa ang mga gamit ko e niyakap niya na ako mula sa likod at saka ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. Marahan nga akong pumiglas dahil galing ako sa labas at natuyuan ng pawis, habang amoy na amoy pa ang safeguard sa balat niya’t bagong pahid na Rexona sa malalagong buhok niya sa kilikili. 

Pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap at idinadaiti sa aking likuran ang burat niyang hindi pa man tinitigasan ay aakalain mong tayong-tayo na sa laki. Ramdam na ramdam ko sa init ng yakap niya ang bigat ng problemang hindi pa man niya sinasabi sa akin ay alam kong labis siyang binabagabag. 

Sa katunayan, aksidente lang ang pagkakakilala namin. Construction worker siya sa isang itinatayong condo malapit sa Cubao, at ako naman ay call center agent sa may P. Tuazon. Magmula nang malaman ng isang kaopisina kong beks na mahilig din ako sa mga barakong daddy, constru at sekyu, lagi niya na akong isinasama sa mga panghaharbat niya ng mga lalaki. Kung saan-saan na nga kami nakarating—lahat na yata ng mga ginagawang building, napuntahan na namin. Hanggang sa hindi na rin sapat ang patingin-tingin namin, at sumugal na rin kami sa pagbo-booking. 

Bawat dampi ng magagaspang niyang palad sa balat ko ay langit ang hatid sa’kin. Bawat ulos, ramdam ko ang pagod niya sa maghapong paghahalo ng buhangin at pagpapalitada ng semento. Kung kaya pagkagat ng dilim, agad hinahanap ng sabik niyang katawan ang ginhawang hatid ng paglabas-masok sa makitid kong kuweba.

Kung minsan, nakakatatlo hanggang apat kaming round, lalo na kapag nakaidlip siya nang sandali. Pero kapag pagod siya, maswerte na’ng dalawa. Sa mga panahong gayon, para siyang batang iniinda ang kaunting sakit ng kalingkingan, at ako ang nars niyang gagawin ang lahat malunasan lang ang iniinda niyang sakit. 

Magtatatlong buwan ding ganito ang set-up namin, hanggang sa magpandemya. Mula nang mag-lockdown, isang text lang ang natanggap ko sa kanya—na pauwi siya ng probinsya, at hindi niya alam kung kailan siya ulit babalik. Kaya laking gulat ko nang kaninang umaga, tumawag siya’t nakikipagkita. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. 

Mala-latigo ang hampas ng kanyang kamay sa likod ko’t balakang. Para akong pakong ibinabaon sa bawat duldol niya sa akin, na lalo pang pinaiinit ng mga malulutong na murang namumutawi sa bibig niya. May kuryente sa balat ang bawat “putang ina, ang sarap mo,” at “bubuntisin na kita.” 

Namimintog at tuluy-tuloy ang daloy ng pawis sa kanyang mabubuhok na dibdib. Maya-maya, nagtitiim na ang mga labi niya, hudyat na malapit na siyang labasan. Tumodo pa siya sa pagkadyot hanggang hinugot niya ang burat niya’t saka ipinutok ang lahat ng tamod na naipon niya sa pawisan kong katawan. Hindi rin naman niya ako pinabayaan—sinubo niya ako hanggang makaraos din ako. Inipon niya sa bibig ang ang tamod ko’t saka hinimod ang kanya sa katawan ko, at saka dahan-dahang idinura sa bibig ko. At dahil na-miss ko siya, ninamnam ko muna itong mabuti bago lunukin. 

Tahimik lang kaming magkasiping pagkatapos naming magtalik. Pero hindi na rin siya nakapagpigil magkwento. Tuluyan na pala siyang na-lay off sa trabaho, at nagbalik lang siya rito sa Maynila para kunin ang natitira niya pang sahod at mga gamit sa dati niyang tinitirhan. Baon na baon na rin sila sa utang sa probinsya, pero dahil may sakit ang kanyang Tatang, kailangan niyang magtiis muli sa pagtatanim sa lupang hindi naman kanila para makaraos paunti-unti sa mga gastusin. Matigas ang bagsak ng mga salitang namumutawi sa kanyang mga labi, na para bang napakahirap bitawan ng mga salitang iyon.

Lumipas ang mga araw at hindi na ulit kami nagkausap. Sa mga gabing iyon, hahanap ako ng kaligayahan sa iba—sekyu, masahista, kargador sa palengke. Iba-iba ang ligayang hatid nila sa akin, subalit halos pare-pareho lang ang kanilang mga kwento—may mga problemang tinatakasan, pero parang multong hindi nila magawang iwasan. 

Masarap kasiping sa gabi ang mga barako, subalit sing-bigat ng kanilang mga trabaho ang kanilang bitbit na problema.