Boac, Marinduque – Ang nag-iisang Pamahalaang Paaralan sa Lalawigan ng Marinduque (MSC) ay magdiriwang ng Platinum na Anibersaryo o 70 taong pagkakatatag, may temang “[email protected] MSC sa Ika-pitumpong taon – tungo sa isang pamantasang may kaganapang institusyonal, katalinuhang may pitagan at taos na paglilingkod sa sangkatauhan.” Upang pasinayaan ang okasyon, magkakaroon ng pagtatanghal ang MSC Integrated High School (IHS) Drum and Lyre Ensemble kasama ang MSC Marching Band sa Lunes, Hunyo 20.  Magkakaroon din ng ng pagbubukas ng mga puwesto sa MSC Auxiliary ang mga inobatibo, malikhain at abanteng mga gawang-sining at produkto mula sa apat na paaralan ng MSC: College of Engineering, Industrial and Information Technology (CEIIT); College of Natural and Allied Health Sciences (CNAHS); College of Accountancy, Business & Governance (CABG); kasama ang College of Education, Arts & Social Sciences (CEASS). Pagkaraan ng salu-salo sa tanghalian, magkakaroon ng “The Great Filipino Work-out” at isang exhibition game sa paggitan ng MSC Faculty Federation at MSC Administrative Employees Association  sa MSC Gymnasium para sa palaro ng basketball at volleyball.

Samanatala, kinabukasan, ang mga empleyado, kaguruan, opisyal ng kolehiyo, mag-aral at buong komunidad ay kasama sa motorcade sa pag-iikot ng pamanang bayan ng Boac. Pagkaraan ay magkakaroon ng banal na misa sa MSC gym. Pagkatapos ay magkakaroon ng pagbabasbas ng CEASS Technology and Livelihood Education (TLE) at Senior High School (SHS) building. Bago ang pinakatampok na gawain ng platinum na anibersaryo ay ang pagbubukas ng Local Heritage Tour at MSC Museum na may eksibit tungkol sa paglalakbay ng MSC dati bilang MSAT, MIST at sa hinaharap ay MarSU.

Ang pinakamahalagang kaganapaan sa okasyon ng ika-70 taong pagkakatatag ng MSC ay ang pagbibigay parangal sa mga naging Officer-in-Charge, naging pangulo, kumatha ng batas at katangi-tanging nagtapos sa MSC. Ang anibersaryo ng MSC ay hindi kumpleto kung walang cultural night at hapunan para sa mga bisita ng kolehiyo.

Ang iba pang kaugnay na mga gawain para sa pagdiriwang ng ika-70 taong pagkakatatag ng MSC ay ang mga sumusunod: ang “HIbla Local Filipina kasama ang Book Nook Marinduque. Dinaos ang Summer Art Workshop na ito sa MSC Extramural Study Center sa Brgy. Capayang, Mogpog, Marinduque simula noong Mayo 30 at 31 kasama si Mam Lanie Malinao, session 3 at 5 tungkol sa drawing at illustration na pinadaloy ni Sir Gerry Lacdao, sa sumunod na dalawa pang session kasama si Sir Dench Ibahan noong June 13-14 tungkol sa animation at basic video editing. Nagkaroon din ng Joint-Seminar ng ang Marinduque Studies Center at Cavite Studies Center noong June 1-3 bilang bahagi ng technical assistance mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at Pambansang Komisyon sa Kasaysayan ng Pilipinas (NHCP).  Samantala, noong Mayo 16 ay nagkaroon ng Conversation on Conservation kasama ang mga arkitekto mula sa Marinduque National High School, National Museum, Lokal na Pamahalaan ng Boac, maging sa MSC at pribadong sektor.

Ang Marinduque State College ay nagdiriwang ng ika70 taon ng pagkakatatag simula noong Marinduque School of Arts and Trades (MSAT) mula 1952 hanggang 1983. Sinunandan ito ng Marinduque Institute of Science and Technology (MIST) mula 1983 hanggang 1992 at sinundan ng pagiging MSC mula 1992 hanggang 2019 kung saan nagkaroon na ng batas para sa konbersiyon sa Marinduque State University (MarSU) sa pag-apruba ng RA 11334.