Close

FELLOWS

Nicko de Guzman

Si Nicko M. de Guzman ay nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman noong 2018. Limang beses sa isang linggo, sampung oras siyang umuupo sa harap ng kompyuter para mag-edit ng mga libro (o magkunwaring nagtatrabaho). Ang paborito niyang daan pauwi ay ang biyahe mula Philcoa hanggang Welcome Rotonda.

Andrew Estacio

Andrew Estacio  is a theater writer and actor. He received his first Palanca in 2018 for his short story “Ang Kanonisasyon ng mga Santa Santino,” and he was a fellow to the recently concluded 2nd GlobalGRACE-UP National LGBTQ Writers Workshop. He is taking his MA Malikhaing Pagsulat degree in UP Diliman, and he likes working on stories about subversion and comedy.

Leslie Corpuz

Si Leslie Corpuz ay isang freelance-filmmaker. Siya ay nagtapos ng BA Philippine Studies, major in Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman noong 2015. Nakasama ang kanyang maikling kwento na “Lisa, Prinsesa ng mga Alimasag” sa Piglas, isa sa tatlong libro ng mga maiikling kwentong pambata ng Lampara Books na nailabas noong 2018. Paborito niyang magsulat ng tula at dula.

John Daryl Alcantara

Si John Daryl Alcantara ay isang manunulat-aktibista mula sa Taguig City. Nagsusulat siya ng mga tula, maikling kwento at dula, at gumagawa ng zines sa kaniyang free time; at mga kritikal na sanaysay naman kapag malapit na ang deadline. Siya ay naging miyembro ng Umalohokan, Inc, at The UPLB Com Arts Society, at naglingkod bilang Tagapangulo ng UPLB Writers’ Club. Nagtapos siya ng B.A. Communication Arts sa UPLB.

Rose Angelica Ruiz

Si Rose Angelica Ruiz ay alumna ng University of the Philippines, Los Baños, at nagtapos ng kursong BA Communication Arts, Major in Writing. Bagamat lubog sa iba’t ibang porma ng sining, hindi pa rin nito lubos na matawag ang sarili bilang isang artist. Madalas niyang ubusin ang kanyang oras sa social media, panonood ng pelikula, at pag-iisip ng paraan kung paano kikita ng pera.

Bridgette Ann Rebuca

Bridgette Ann Rebuca, (born April 25, 1983), is a Filipino scriptwriter for teleserye or soap opera for ABS-CBN. She has ten years of writing experience under her belt, having written for teleserye hits like her recent works: afternoon soap “Los Bastardos” and primetime hit “Wildflower,” and weekend anthology “Ipaglaban Mo.” She’s interested in dialogues and stories leaning on modern and contemporary culture.

Graziel Latiza

Si Graziel Latiza ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang Assistant Editor sa isang Publishing House sa Quezon City. Karaniwan niyang hawak sa trabaho ang pagbasa at pagsuri ng mga kuwentong pambata, diskusyon ng mga paksa sa panitikan, aplikasyon ng mga aralin sa totoong buhay, at Filipino Classics para sa mga teksbuk pang-elementarya hanggang senior high school. Nagtapos siya ng BA Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas taong 2015.

 

 

Jaymar Santos Castro

Si Jaymar Santos Castro, Pampanga pero lumaki rin sa Cabanatuan at nag- aral sa Maynila. Naging inspirasyon niya ang mga kuwentong nagsanga-sanga dahil sa pagkamulat sa iba’t ibang lugar. Nabuksan ang mundo ng teatro para sa kanya nang pumasok siya sa UST upang kumuha ng kursong Communication Arts. Siya ay naging miyembro ng Artistang Artlets, ang opisyal na grupong pangteatro ng Facultad ng Sining at Panitik, kung saan siya ay nabigyan ng pagkakataong magtrabaho, umarte, at, higit sa lahat, sumulat ng mga dula. Sa kasalukuyan, siya ay nagsusulat ng mga teleserye at dulang pantelebisyon sa ABS-CBN.

Abigail James

Abigail C. James teaches English language and literature at Xavier University – Ateneo de Cagayan, where she obtained her Master of Arts in English Language in 2018. She was a fellow to the 2014 Davao Writers Workshop, the 2017 UST National Writers Workshop, and the 2017 Sulat-Dula Workshop. Her works appear in the Bulawan Literary Journal of Northern Mindanao, the Carayan Journal, and the Dagmay Literary Folio. She is the Director for Logistics at Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro (NAGMAC), a group of new-wave young writers who organize CDO Poetry Night, workshops, seminars, and various literary events.

Kwesi Junsan

Si Kwesi M. Junsan ay pinanganak at lumaki sa Koronadal City, South Cotabato. Siya ay nagtapos ng Doctor of Veterinary Medicine sa De La Salle Araneta University at kasulukuyang kumukuha ng M.A. Media Studies (Film) sa University of the Philippines Diliman. Bukod sa pagsusulat, pagbabasa, at pagwawari-wari, siya ay aktibong kasapi ng Apat Sa Taglamig Productions, na isang organisasyon ng mga mandudula at tagahanga ng entablado sa lungsod ng Koronadal. 

 

Naitanghal ang kaniyang unang dulang The Smell of the After Storm noong 2017 sa 5th Drama Festival ng nasabing organisasyon at naging fellow sa 24th Iligan National Writers Workshop. Sa kasalukuyan, abala siya sa pagsusulat ng mga dagli, dula, dulang pampelikula at kritisismo (suring likas at relasyon ng hayop sa pagkatao) kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Atsara Collective. Tuwing may bakanteng oras, siya ay nagtatanim ng cactus at succulent sa kanilang balkonahe sa Quezon City.

Gerald Manuel

Having recently graduated from the Ateneo de Manila University in Creative Writing (Playwriting Track), Gerald continues to immerse himself in the world of theater as he has done for the past decade. His curiosity for writing comes from the need to present the stories of people who have run out of dreams to chase, of potentials to develop. The ones stuck in the limbo of being outside their prime, those left behind by their achievements and identities. 

 

While he attempts to keep his wit with words as sharp as his tools for crafting the stage, he hopes that learning more about the technical aspects of design will bring him to a more enriched experience in writing for the stage.