POETICS: ROMEO P. PEÑA

GUNITA, DANAS, SENTENARYO AT KAAKUHAN: O KUNG BAKIT AKO BUMABALIK SA BONDOC PENINSULA

Ang mga detalye sa mga tulang proyekto ko sa kasalukuyan ay marahil, bunga ng paglapit ko sa kaakuhan. Makatuturan ba ang paglapit sa kaakuhan? Marahil ang sagot ay makatuturan sapagkat ang paglapit sa kaakuhan ay ang paglapit sa danas at gunita ko sa amin, sa Bondoc Peninsula.

Lalapit ako sa daigdig ng kaakuhan na taglay ang sariling danas sa lipunan kong ginalawan/ginagalawan. Hanggat maaari ay gugunitain ko ang mga nakalipas. Dito ako magsisimula para hindi ako makulong/makahon ng kasalukuyan. Sa paglapit ko sa daigdig ng kaakuhan, mga tula ang gagamitin kong pangadlo upang gunitain ang kaakuhan.

Lalapit ako, hindi para mangopya ng kaakuhan. Maaaring maimpluwensiyahan ako ng ibang kaakuhan ngunit bibitbitin ko ang kaakuhan ng may pagninilay at pagbubulay-bulay.

Lalapit ako nang maingat. Kung sa mga tula ko’y kasama ang salitang ako, iyon ay dahil nakapaloob doon ang aking kaakuhan. Hindi naman ako nawawalan ng malay sa maraming kaakuhan na nasa lipunan. Sa katunayan, inspirasyon ko ang marami sa kanila sa pagbuo ng aking kaakuhan.

Lalapit ako nang matapat. Kung sa pananalinghaga ko’y kasama ang salitang ako, iyon ay dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa aking kaakuhan. Hindi naman ako tumatalikod sa maraming kaakuhan na nasa lipunan. Sa katunayan, ipinadanas ng marami sa kanila ang muli’t muling paglikha ko ng kaakuhan.

Minsan, itinatanong ko sa sarili ko kung para kanino ba ang isinusulat ko. Masaya ako kapag may mga taong nangungulit para mabasa ang mga naisulat ko. Hindi man ako naging engineer na pangarap para sa akin ng tatay ko, ginusto ko nang maging guro, natanggap naman iyon ni tatay. Hindi lang basta guro ang ginusto ko, gurong nagsusulat ang pangarap ko. Gusto kong maibahagi ang aking kaakuhan sa lipunan kaya ko ito isinusulat. Panlipunang kaakuhan ang proyekto kong kaakuhan sa mga tula kong ito.

Dinarama ko ang kaakuhan upang maisulat sa hinaharap. Kung bakit sa bawat ikasandaang taon, inilalapit ako sa bagong yugto ng karanasan, inilalapit ako sa bagong daigdig ng kaakuhan. Sa mga sentenaryo ako pinagbubuksan ng pinto. Sa mga sentenaryo nagsisimulang magkaroon ng bagong danas ang aking kaakuhan.

Una kong nakilala ang anak ni Alejandro G. Abadilla na si Bayani S. Abadilla noong 2006, sentenaryo noon ni AGA, ang ama ni Ka Bay. Guro ng panitikan si Ka Bay, peryodista rin siya sa Pinoy Weekly, lingguhang progresibong pahayagan. Kung bakit sa sentenaryo ng kaniyang ama ko siya nakilala ay hindi ko maipaliwanag. Gaya rin ba ito ng simpleng pagpasok ko sa iba pang sentenaryo? Nakapasok ako sa isa sa mga state university sa Pilipinas, sa PUP noong 2004, sentenaryo ang taong iyon ng PUP. Maraming bagong karanasan ang napulot ko sa unibersidad na ito habang tinatahak ang kurso ko. At ngayon patuloy akong kinukupkop nito bilang isang guro. Noong 2008, sentenaryo rin ng UP nang makapasok ako sa graduwadong kurso rito para lalong tahakin ang mundo ng pagsulat. Mula noong tumuntong ako sa PUP at UP dito ko muling binalikan ang mga karanasan sa mga sentenaryo at ngayo’y naisusulat ko na. Nakasusulat na ako noon ngunit pasemplang-semplang pa rin ang aking pagsusulat. Noong 2006, hindi ko inaasahang makapag-uuwi ako ng award sa pagsulat, ito ang kauna-unahan, sa Filipino Migration to Hawaii Centennial Literary Prize ng NCCA at Commission on Filipinos Overseas, sentenaryo ulit. Ito ang mga simpleng sentenaryo sa buhay ko sapagkat ang itinuturing kong hindi simple—sa sentenaryo ng ama, nakilala ko ang anak.

Natatandaaan ko noong campus journalist pa ako noong high school, una kong nabasa ang Ako ang Daigdig ni AGA, tinangka kong gayahin ang estilo sa pagsulat ng tulang iyon, nahiwagaan kasi ako. Ipalalathala ko sana sa pahayagan ng aming paaralan. Nahiwagaan kasi ako sa mga salitang ako, daigdig at tula. Ngunit sa kasamaang-palad hindi ako nagtagumpay. Nahirapan akong lumikha ng tulang ipantatapat sa tula niya. Nag-iisa lang talaga ang mga katulad ni AGA. Nag-iisa si AGA sa Ako ang Daigdig. Mahirap siyang arukin. Dito ko napagtanto na iba-iba pala ang ako ng tao. Ang ako mo ay hindi ko ako at hindi niya ako. Iba-iba ang kaakuhan ngunit ang kaakuhan ay nagaganap sa iisang espasyo lang—ang lipunan.

Hanggang sa lumuwas na nga ako para magkolehiyo, hindi pa rin ako nakagawa ng tulang gaya ng Ako ang Daigdig. Dito ko na nakilala si Ka Bay, magiging guro ko siya. Nakilala ko ang anak ng sumulat ng Ako ang Daigdig.

unibersidad na ito habang tinatahak ang kurso ko. At ngayon patuloy akong kinukupkop nito bilang isang guro. Noong 2008, sentenaryo rin ng UP nang makapasok ako sa graduwadong kurso rito para lalong tahakin ang mundo ng pagsulat. Mula noong tumuntong ako sa PUP at UP dito ko muling binalikan ang mga karanasan sa mga sentenaryo at ngayo’y naisusulat ko na. Nakasusulat na ako noon ngunit pasemplang-semplang pa rin ang aking pagsusulat. Noong 2006, hindi ko inaasahang makapag-uuwi ako ng award sa pagsulat, ito ang kauna-unahan, sa Filipino Migration to Hawaii Centennial Literary Prize ng NCCA at Commission on Filipinos Overseas, sentenaryo ulit. Ito ang mga simpleng sentenaryo sa buhay ko sapagkat ang itinuturing kong hindi simple—sa sentenaryo ng ama, nakilala ko ang anak.

Natatandaaan ko noong campus journalist pa ako noong high school, una kong nabasa ang Ako ang Daigdig ni AGA, tinangka kong gayahin ang estilo sa pagsulat ng tulang iyon, nahiwagaan kasi ako. Ipalalathala ko sana sa pahayagan ng aming paaralan. Nahiwagaan kasi ako sa mga salitang ako, daigdig at tula. Ngunit sa kasamaang-palad hindi ako nagtagumpay. Nahirapan akong lumikha ng tulang ipantatapat sa tula niya. Nag-iisa lang talaga ang mga katulad ni AGA. Nag-iisa si AGA sa Ako ang Daigdig. Mahirap siyang arukin. Dito ko napagtanto na iba-iba pala ang ako ng tao. Ang ako mo ay hindi ko ako at hindi niya ako. Iba-iba ang kaakuhan ngunit ang kaakuhan ay nagaganap sa iisang espasyo lang—ang lipunan.

Hanggang sa lumuwas na nga ako para magkolehiyo, hindi pa rin ako nakagawa ng tulang gaya ng Ako ang Daigdig. Dito ko na nakilala si Ka Bay, magiging guro ko siya. Nakilala ko ang anak ng sumulat ng Ako ang Daigdig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *